Verse 1:
Ang Pagtanggap ng Katotohanan
Mahalaga upang malaman
Ang iyong tunay na kalagayan
at mabago ang iyong kaisipan
Verse 2:
Pag inisip mong ‘kay karapatdapat
Papuri pag narinig ay masarap
Ngunit ang pagtuwid ay masakit
Sa kabutihan wag ikakagalit
Chorus:
Wala ni isa man ay karapatdapat
Ngunit gawin natin ang nararapat
Mahalin si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat
Verse 3:
Hatid ng Salita ay kalungkutan
Kung ang iyong sala’y nauunawaan
Kalungkuta’y panandalian
Kung si Kristo’y panampalatayaan
Chorus:
Wala ni isa man ay karapatdapat
Ngunit gawin natin ang nararapat
Mahalin si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat
Outro:
Unahin mo si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat
============
PATULOY NA MAGBABAGO
Verse 1
Ang dating ako’y lumipas na
Sa Iyo, ako’y panibago na
Kasalanan ay iniwan ko
Sa biyaya Mo’y nabubuhay ako
Verse 2
Hindi Mo nais ang sinuman
Ay mapahamak at mapariwara
Ikaw ay Diyos na mapagpatawad
Sa pagsisisi’y may bagong landas
Chorus
Patuloy na magbabago
Sa liwanag ng puso Mo
Araw-araw lalapit sa’Yo
Buhay ko’y iaalay nang buo
Patuloy na magbabago
Sa pag-ibig Mong di naglalaho
Hanggang sa huli kong hininga
Ikaw, Panginoon, ang susundan ko
Bridge
Di Mo ako pinabayaan
Sa kahinaan ko’y Iyong inalalayan
Sa bawat hakbang ng buhay ko
Ikaw ang dahilan ng pagbabago
Verse 3
Buhay ko ngayo’y may pag-asa
Sa Iyo natagpuan ang saya
Ang dating ako’y wala na nga
Sa Iyong pag-ibig ako’y iba na
Chorus (Repeat)
Patuloy na magbabago…