Pagtanggap ng Katotohanan

Verse 1:
Ang Pagtanggap ng Katotohanan
Mahalaga upang malaman
Ang iyong tunay na kalagayan
at mabago ang iyong kaisipan

Verse 2:
Pag inisip mong ‘kay karapatdapat
Papuri pag narinig ay masarap
Ngunit ang pagtuwid ay masakit
Sa kabutihan wag ikakagalit

Chorus:
Wala ni isa man ay karapatdapat
Ngunit gawin natin ang nararapat
Mahalin si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat

Verse 3:
Hatid ng Salita ay kalungkutan
Kung ang iyong sala’y nauunawaan
Kalungkuta’y panandalian
Kung si Kristo’y panampalatayaan

Chorus:
Wala ni isa man ay karapatdapat
Ngunit gawin natin ang nararapat
Mahalin si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat

Outro:
Unahin mo si Kristo higit sa lahat
Paglingkuran sya ng tapat