PANGANIB

To download file, please click on the 3 dots:

Panganib

Instrumentals

Vocals

LYRICS:

PANGANIB

Composed by Edwin Jardinel

July 4, 2025

Verse 1
May kaaway tayong lihim, nagmamasid sa dilim
Parang leon sa damuhan, gutom at palihim
Ang tupang nag-iisa’y agad niyang aabangan
Malayo sa ka-wan, madali niyang lapitan

Chorus
Wag kang hihiwalay sa ka-wan ni Kristo
Ang Salita Niya ay pagkain ng espiritu
Ang leon ay nagaantay sa oras ng kahinaan
Kaya magbantay at magpaka-tatag, manalig lamang

Verse 2
Sa ka-wan may kahinaan, walang perpekto
Ngunit nais Niya na magpalakasan tayo
Habang tayo’y naglilingkod, tayo’y pinalalago
Sa pagkakaisa, ang pananampalataya’y tumitibay lalo

Chorus
Wag kang hihiwalay sa ka-wan ni Kristo
Ang Salita Niya ay pagkain ng espiritu
Ang leon ay nagaantay sa oras ng kahinaan
Kaya magbantay at magpakatatag, manalig lamang

Bridge
Sa piling ng kapatiran, natututo tayong magtiis
Pagpapatawad at pag-unawa’y Kanyang ninanais
Kapag tayo’y lumalago, tayo’y nagkakaisa
Mga mahina’y inaalalayan sa pag-ibig na tunay

Chorus
Wag kang hihiwalay sa ka-wan ni Kristo
Ang Salita Niya ay pagkain ng espiritu
Ang leon ay nagaantay sa oras ng kahinaan
Kaya magbantay at magpaka-tatag, manalig lamang