Ang Tunay na Layunin ng Buhay

5 Susi sa Pag-unawa…

Ang Totoong Layunin sa Buhay

Maari ba kitang tanungin?

Ano ang pangunahing layunin mo sa buhay?

Naisip mo na ba ito?

Ang magtapos ng pag-aaral, magpakasal, o magpalaki ng mga anak ay hindi ang pangunahing layunin ng ating buhay. Mga mithiin lamang ito na umiikot sa tunay na layunin.

Hindi tayo nabubuhay para magtrabaho, kundi tayo ay nagtatrabaho upang mabuhay. Ngunit ano nga ba ang pangunahing layunin ng pamumuhay?

“Sapagka’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ang Dios sa inyong katawan, at sa inyong espiritu, na pawang sa Dios.” (1 Corinto 6:20)


1. May magandang layunin ang Diyos para sa iyong buhay

“Sapagka’t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip tungkol sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip ng kapayapaan, at hindi kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.”
(Jeremias 29:11)

“Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan.”
(Juan 10:10)

Ngunit bakit karamihan sa mga tao ay walang tamang layunin sa buhay?


2. Ang tao ay makasalanan

“Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”
(Roma 3:23)

“Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa.”
(Roma 3:10)

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay nangaligaw; tayo’y tumungo bawa’t isa sa kanikaniyang daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.”
(Isaias 53:6)


3. May kaparusahan ang kasalanan

“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”
(Roma 6:23)

“Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mananamba sa diosdiosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
(Apocalipsis 21:8)


4. Si Jesus lamang ang tanging lunas sa kasalanan ng tao

“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
(Juan 3:16)

“At halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo ayon sa kautusan, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran.”
(Hebreo 9:22)

“Lubha pa nga, ngayong inaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.”
(Roma 5:9)


5. Dapat natin Siyang tanggapin bilang personal na Panginoon at Tagapagligtas

“Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y sa mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.”
(Juan 1:12)

“Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios.”
(Efeso 2:8)

“Sinasabi ko sa inyo: Hindi! kundi kung hindi kayo mangagsisi, ay mangalilipol kayong lahat sa gayon ding paraan.”
(Lucas 13:3)